Brigada News Fm National sports year end report

Simulan natin ang ilang piling mga malalaking balitang nakalap na brigada news FM sa larangan ng pampalakasan sa loob ng isang taon

Sa unang arangkada ng taong 2014..Inaabangan ng sambayanang Pilipino ang kauna-unahang filipino skaters na si Michael Christian Martinez na nagsasanay na matapos na makapasok sa qualifying round ng 2014, Winter Olympics na gaganapin sa bansang Russia

Bagamat hindi nakuha ang gintong medalya naungusan naman nito ang ilang mga datihang skaters ang pumasok sa panlabinsyam na pwesto sa buong mundo at lumaki ang tsansa na mapasok din sa darating na 2016 summer Olympics sa Brazil

Sinundan ito ng balitang pagsabak din sa PBA ni Filipino ring icon bilang playing coach ng Kia Sorento at ang naging kompirmasyon ng 8 division World Champion Manny Pacquiao

September 2014 naghahanda na ang team Gilas Pilipinas para sa ilang pag ensayo sa labas ng bansa kaugnay sa preparasyon sa Fiba world cup sa bansang Espanya ( pero sa kabuoan ng laro pagkatapos nito ay nabigo ang Gilas na makakuha ng Medalya )

Napabalita din ang pagsasalang sa drug testing nina Chris Algerie at Manny Pacquiao bago at pagkatapos ng laban sa Macau China sa darating na Nobyembre

Sinundan naman ito ng balitang nabigo ang Gilas Pilipinas na makakuha ng medalya sa Asian Games sa south Korea at sa kabuoang ratings pumasok lamang sa 22nd place sa palaro

October- nagbunyi ang National Universities (NUBulldogs) matapos na masungkit sa panibagong pagkakataon sa loob ng ilang dekada na ang kampeonato sa UAAP Finals laban sa FEU Tamaraws

Una ding nakuha ng NU ang korona para naman sa Womens Volleyball kontra din sa FEU

Octobre pa rin—Tinalo ng Jamaican boxer via knockout si Filipino Flash Nonito donaire Jr

Samantalang ang Team Azkals naman ay naghahanda na para sa Zusuki Cup sa buwan ng nobyembre
Nobyembre- dumating sa bansa si NBA icon allen Iverson para sa isang charity game

At ang pinakaaabangan Pacquiao -Algerie fights sa Macau na nagpa excite naman sa buong mundo lalo na sa mga Filipino nang talunin ng Filipino ring icon ang undefeated american boxer

Pagkatapos ng panalo ni Pacman nagtpalabas ng panibagong patutsada ni floyed Mayweather at nag post pa ng video ni Pacquioa nang talunin ito ni Juan Manuel Marquez sa rematch ng dalawang boksingero

Nobyembre din ng dumating sa bansa ang mga sikat na Tennis players sa mundo na kinabibilangan nina Andy Murray, Ana Ivanovic, Roger Federer, Pete Sampras, Gael Monfils at Maria Sharapova para sa International Premier Tennis League (IPTL) na ginanap sa Mall of Asia

December- nawala ang pagasa para sa isang karangalan matapos mabigo na makapasok sa Zusuki finals Matapos talunin ng Thailand sa score na 3-0 ang team Azkals ng Pilipinas

At ang balita naman kaugnay sa pagtanggap nan i pound for pound king Floyed Mayweather sa hamon sa kanya ng mga boxing panatics sa mundo para labanan si Manny Pacquiao at nagtakda pa ng May 2 deadline pero kampo ni *division world champion duda sa sensiridad ng kampo ni Mayweather

Pacquiao hinamon si Floyed na pumirma muna sa kontrata para mapatunayan na seryoso sa inilabas nitong statement- Sandy Madarcos

Leave a Reply

Or

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Visit Us On FacebookVisit Us On TwitterVisit Us On Google PlusVisit Us On YoutubeCheck Our Feed